(Target ng DTI) INVESTMENTS PA MORE

DTI Sec Ramon Lopez

MAKARAANG aprubahan ang investment projects na nagkakahalagang PHP5.2 trillion mula 2016 hanggang Hunyo 2021, nangako ang Department of Trade and Industry (DTI) na susuportahan at isusulong ang mga programa na makaaakit ng mas maraming investments sa bansa.

“The DTI strongly supported the full implementation of the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, which is definitely a milestone and a new landmark incentive law. It provides the government the flexibility in granting fiscal and non-fiscal investments for high-value strategic investments,” pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez sa Philippine News Agency.

Noong Marso 26, 2021 ay nilagdaan ni Presidente Rodrigo Duterte bilang batas ang CREATE Act, na nagbababa sa corporate income tax rate sa bansa mula 30 percent sa 25 percent para sa malalaking korporasyon at hanggang 20 percent para sa maliliit na negosyo.

Nagkakaloob din ito ng performance-based, time-bound, at targeted fiscal incentives packages kapwa sa local at foreign investors.

Ayon kay Lopez, itinutulak din ng pamahalaan ang legislative reforms na makahihikayat ng mas maramlng foreign investments tulad ng pag-aamyenda sa  Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act, at Foreign Investments Act.

Aniya, sinertipikahang urgent ni Duterte ang naturang bills, at target na maaprubahan sa Oktubre ng kasalukuyang taon. PNA

8 thoughts on “(Target ng DTI) INVESTMENTS PA MORE”

  1. 949342 733295yourselfm as burning with excitement along accumulative concentrating. alter ego was rather apocalyptic by the mated ethical self went up to. Its punk up to closed ego dispirited. All respecting those topics are movables her really should discover no finish touching unpronounced. Thanks so much! 586809

Comments are closed.