NALAGPASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang collection target nito para sa unang buwan ng 2023.
Ayon sa BOC, nakakolekta ito ng P70.327 billion noong Enero, mas mataas sa target nito na P62.911 billion ng 11.79% o P7.415 billion.
Ang January collection ng ahensiya ay lumago ng 20.53% o P11.98 billion, mula P58.346 billion na nakolekta sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ayon sa BOC, ang positive performance noong nakaraang buwan ay dahil sa pinaigting na border protection measures at pinalakas na anti-smuggling program ng ahensiya upang masiguro ang optimal lawful revenue collection.
Noong Enero ay nagsagawa ang BOC ng 36 apprehensions at nakakumpiska ng tinatayang P908.137 million na halaga ng iba’t ibang produkto dahil sa paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA)
Kabilang sa mga nakumpiskang produkto ay P794.463 million na halaga ng smuggled agricultural products at P104.833 million na halaga ng illegal drugs.