SINSERO ang gobyerno sa layuning mapalakas ang kalidad ng mga produkto at serbisyong Pinoy, hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo.
Ito ang dahilan, ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance kung kaya pinaglaanan ng mas mataas na budget ang Department of Trade and Industry (DTI) ngayong taon.
Ayon kay Angara, dahil pangunahing ahensiya ng gobyerno ang DTI sa mga aspetong nagsusulong sa kalakalan at sa iba’t ibang industriya sa bansa, dinagdagan ang pondo nito upang magkaroon ng sapat na lakas sa pagpapatupad ng programa nito.
“Hindi tayo dapat nakukuntento lang sa kung ano ang mayroon tayo at kung ano na ang mga napagtagumpayan natin. Puwede tayong mas umunlad at matutupad lamang ito kung lubos tayong magsisikap. Dapat, hindi lang tayo consuming society. Dapat mag-ing producing society rin tayo,” ayon kay Angara.
Mula 2017, taon-taon nang nagtataas ng pondo ang DTI upang partikular na mapagtuunan ng pansin ang mga negosyong Pi-noy, lalo na ang maliliit at ‘di kalakihang pinagkakakitaan.
Kabuuang P4.67-B ang pondo ng DTI noong 2017, P5.86-B noong 2018, P6.1-B noong 2019 at P7.98-B ngayong 2020.
Sakop ng pondo ang attached agencies ng DTI tulad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Isa rin ang Shared Service Facilities o SSF project sa pinopondohang proyekto ng DTI na pinaglaanan ng P574-M. Layunin nito na mas malinang pa ang kalidad ng mga micro, small at medium enterprise sa bansa. VICKY CERVALES
Comments are closed.