SA PAGBAGSAK ng puti at lila na confetti, pormal na ipinakilala kahapon ng Converge ICT Solutions ang Converge FiberXers team na sasalang sa 47th season ng PBA.
Mismong sina co-owners Dennis Anthony Uy at Grace Uy ang nanguna sa okasyon sa Edsa Shangri-La, kung saan iniharap ng management ang team moniker at core group na pinangungunahan nina coach jeff Cariaso at player Jeron Teng.
Pinirmahan ng mga Uy ang bola kasama si PBA Commissioner Willie Marcial bilang simbolp ng pagpasok ng FiberXers bilang pinakabagong miyembro ng Asia’s first play-for-pay league.
“We challenged the telco giants. This is the same mindset we are bringing into the PBA,” sabi ni Uy. “We’ll be a game-changer in the PBA with our passion and drive to give the better experience to all of our loyal PBA fans.”
Ang ultimate goal, ayon sa Converge top honcho, ay ang sikaping maging “pinakamahusay na franchise.”
“We’re excited to commence our journey to build a track record and legacy of excellence, innovation, character, discipline, devotion, and sportsmanship worthy of the respect of PBA fans,” ani Uy.
“Ang pagmamahal ng Pilipino sa basketball ay kakaiba. Sana mas lalo pang lumakas ang pagmamahal natin sa laro dahil sigurado, ibubuhos naming ang puso sa lahat ng laro.”
Nangako si team governor Chito Salud sa buong suporta ng management sa FiberXers hanggang sa huli.
Masayang winelcome ng PBA family, na kinatawan ni Marcial, ang pinakabagong miyembro ng liga.
“Malaking tulong ang Converge hindi lang sa PBA pati na rin sa Philippine basketball in general,” sabi ni Marcial.
Nangako rin si league commissioner WIllie Marcial na tutulungan ng Converge ang PBA sa vision nito na patuloy na maging top basketball fixture sa Pilipinas.
“SInisiguro ko na ang Converge ay magiging haligi hindi lang sa PBA. Muli, Converge, welcome to the PBA,” sabi ni Marcial. CLYDE MARIANO