TAX COLLECTIONS SA REGIONAL, DISTRICT LEVELS HUMATAW

Erick Balane Finance Insider

SA INITIAL ranking sa tax collection report ng key officials ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ay maganda ang collection performance sa regional at district levels, maliban sa Large Taxpayers Service (LTS) at National Investigation Division (NID).

Sa kabila nito ay kumpiyansa ang Malacanang na kaya pa ring kolektahin ang 2021 tax goal na P2.942 trillion, mas mataas ng 12.42% kumpara sa taong 2020.

Ngayong fiscal year 2022, ang tax collection goal ng BIR ay P3.312 trilyon, mas mataas ng 12.4% kung ihahambing sa 2021 fiscal year, na ayon sa Finance Department ay kayang kolektahin.

Attributed ang magandang collection performance kina BIR Regional Directors Florante Aninag (Laguna-Batangas-Mindoro-Romblon), Greg Buhain (Laguna-Quezon-Marinduque), Albin Galanza (Quezon City), Edgar Tolentino (East NCR), Gerry Dumayas/Corazon Balinas (Caloocan City), Eduardo Pagulayan/Saripoden Bantog (South NCR), Jetrho Sabariaga (Manila), Maridur Rosario (Makati City), Glen Geraldino (Cebu City), Emir Abutazil (Cagayan De Oro City), Mahinardo Mailig (Iloilo City), Josephine Virtucio (Bacolod City), Joseph Catapia (San Fernando, Pampanga) at sa  Davao City, Koronadal, Butuan, Calasiao, Cordillera Administrative Region, Tuguegarao, Legazpi, Eastern Visayas at Zamboanga.

Kapuna-puna naman ang pagbagsak ng tax collections ng LTS na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Nakitaan din ng mahinang performance ang NID sa mga iniimbestigahang tax fraud cases.

Ang 60% sa overall tax collections ay tradisyunal na LTS ang kumokolekta dahil hawak nito ang 1st 5,000 big-time taxpayers sa buong bansa. Ang 40% naman ay nagmumula sa regional at district levels.

Topnochers naman sa district level sina Revenure District Officers Rufo Ranario (East Makati City), Bethsheba Bautista (West Makati City), Rodel Buenaobra (Novaliches), Arnulfo Galapia (North QC), Antonino Ilagan (South QC), Alma Celestial Cayabyab (Cubao), Deogracias Villar, Jr. (Pasig City), Cynthia Lobo (Mandaluyong City), Antonio Mangubat, Jr. (East Bulacan), Timm Renomeron (Caloocan City), Stimson Cureg (Valenzuela City), Renato Mina (Taguig City-Pateros), Renato Ruiz (Pasay City), Emilia Combes (Tondo-Sanicolas), at Teresita Lumayag (Binondo).

Kung ihahambing noong 2020 o bago pumutok ang COVID-19 pandemic, ang LTS ay nakakolekta ng P128.59 bilyon, sumobra pa sa adjusted target na P113.64 bilyon na hanggang P14.95 bilyon o 13.15% ang increase kumpara sa 2019 collection.

Sa pananalasa ng pandemya, nagsimula na ring dumanas ng pagbagsak ng koleksiyon ang LTS kung saan naapektuhan ang tax collections sa excise tax mula sa alcohol, petroleum, tobacco. sweetened beverages, cosmetics at iba pang produkto sanhi ng pinsalang idinulot sa industriya ng turismo (airlines), pananalapi (banking), minings at mga produktong kinakaltasan ng excise taxes.

Napupunan lamang ang shortfall na tinatamo ng LTS sa pamamagitan ng buwis na nakokolekta ng regional at revenue district levels mula sa bulto ng koleksiyon nito sa National Capital Region o mula mismo sa mga distrito na nasasakop ng City of Manila, Quezon City, Makati City, Caloocan City, South NCR at East NCR,  gayundin sa Cordillera Administrative  Region (Car), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, SoocckSargen, Caraga at Autonomous Region in Muslim Mindanao.

May nakabimbin na major revamp sa BIR at inaasahang maaapektuhan ang hepe ng LTS, gayundin ang chief ng NID dahil sa sinasabing hindi magandang collection performance ng mga ito.

Ikinakasa na umano ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III ang nasabing pagbalasa at hinihintay na lamang ang go-signal mula kay Pangulong Rodrigo Duterte para ipatupad ni BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay.

Sinabi ng source na posibleng ipatupad ang major shake-up o rigudon sa BIR bago magsimula ang campaign period ng natrional at loca elections o sa panahon na paiiralin ang ban sa hiring, suspension at iba pang kautusan batay sa ruling ng Civil Service Commission at Commission on Elections sa panahon ng halalan.

Taong 2020 nang bigyan ng komendasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso sina Secretary Dominguez at Commissioner Dulay matapos makuha ang  tax collection goal sa kabila ng pandemya.

Sa pagtatapos ng  2021, naniniwala si Secretrary Dominguez na ang BIR at Bureau of Customs (BOC) ay muling makakamit ang inaasam na tax collection goal.



Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09266481092 o mag-email sa [email protected].