TESDA GABAY NG MGA KATUTUBO SA PAG-ABOT NG TAGUMPAY

TESDA

ANG mga katutubo na dating minamaliit sa  lipunan, ngayo’y inaabot na ng gobyerno at  nakikipaglaban sa hamon ng buhay upang makamit ang mga minimithing tagumpay gaya na lamang ni Jaimes Elisan Aniceto o kilala sa palayaw na “Bong” na mula sa Ati tribe ng Region 4B.

Jaimes Elisan AnicetoBata pa si Bong ay pangarap na niyang ma­ging electrical engineer, subalit walang kaka­yanan ang kanyang mga magulang na tustusan ang pag-aaral nito sa kolehiyo, kaya kumuha siya ng technical-vocational (tech-voc) course na Building Wiring Installation (BWI) NC ll na nagbigay daan upang magka-roon ng maayos na trabaho sa Boracay Island bilang electrician, accounting clerk, at ngayo’y breadwin-ner pa ng kanyang pamilya.

Pagkatapos ng high school, hinikayat  si Bong ng kanyang kaibigan na mag-enroll sa National Alcantara Trade School (NATS), isa sa mga TVET providers ng TESDA sa San Jose, Romblon. Kumuha siya ng BWI NC ll at pumasa sa assessment  noong 2008.

Pagka-graduate sa edad na 17 ay agad na nagsimulang mag-apply sa trabaho si Bong ­subalit ‘di s’ya pinalad na matanggap da-hil sa bukod sa underage ay may mababang tindig dahil sa pagiging Ati.

Si Bong na ngayo’y 28-anyos, at bunso sa pitong magkakapatid, ay taga-Brgy. Lindero, San Jose, Rom-blon (Carabao Island), at nagmula ang kanyang mga magulang sa Ita tribe at pagsasaka ang kanilang ikinabubuhay.

Nang mag-21-anyos si Bong noong 2013, na-hire  siya  bilang timekeeper  sa Boracay View Resort  na ngayon ay  Boracay View Realty at dahil na rin sa kanyang ka­alaman sa electrical wiring ay na-promote siya bilang electrician hanggang naging ac-counting clerk.

Dahil sa kanyang trabaho, naging breadwinner siya ng kanyang pamilya kahit may asawa na siya.

Taong 2018, muling nag-training ng Service Consumer Electronic Product and System (Assembly of So-lar Nightlight and Post Lamp) na malaki ang naiambag sa kanyang trabaho dahil sa ang pinapasukang niyang kumpanya ay gumagamit ng solar bilang “source” ng koryente.

Aniya kung mabibigyan siya ng pagkakataon, plano pa rin niyang ituloy ang kanyang pangarap  na makapagtapos ng  Electrical Engineering.

Hinimok ni Bong ang mga tao na mag-attend ng mga TESDA Scholarship Training Programs “dahil libre po sila, at malaki ang maidadagdag na ­kaalaman at kakayahan.”

Aniya, “hindi rin dapat na ikahiya na TESDA graduate o NC ll lamang ang hawak natin dahil ito ang priori-ty ng mga industriya pagdating sa paghahanap ng trabaho.”

“Nais ko pong magpasalamat sa TESDA Romblon Provincial Office dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makapag-training sa programang Building Wiring Installation NC ll at Service Consumer Electronic Prod-uct and System.”

Comments are closed.