“THANKS FOR BEING A PART OF ME” — RICO BLANCO

Walang samaan ng loob, walang siraan ng pagkatao, at sa halip ay nagpapasalamat pa si Rico Blanco na sa loob ng limang taon ay naging bahagi si Maris Racal ng kanyang buhay.

Naging masaya umano ang nagdaang mga taong magkasama sila dahil nagmahalan naman sila ng totoo. Naging mabuting girlfriend daw sa kanya si Maris, at sa palagay niya ay hindi naman siya naging masamang boyfriend dito.

Nagkasundo umano silang dalawang maghiwalay at walang third party sa kanya man o kay Maris. Nagkataon lang na kahit nagmamahalan pa rin sila, may mga bagay na hindi na talaga pwede.

Pero wish daw niyang matag­puan sana ni Maris ang anumang kakulangang hinaharap niya sa kanyang buhay.

Nang tanungin na­min kung may pag-asang pa ba silang magkabalikan — “Kung kami ang itinadhana, oo. Pero kung hindi, I’m sure makakatagpo kami pareho ng tamang taong makakasama namin habambuhay.”

Kamakailan lamang inamin ni Maris na naghiwalay na sila ni Rico. Sinabi rin ni Maris na walang kasalanan si Rico, at sa halip ay siya ang nagkaroon ng mga bagong priorities at pinagbigyan lamang siya ng dating kasintahan. Kung ano man ang mga bagong priorities na iyon ay hindi niya nilinaw.