THANKSGIVING MASS PARA SA TAGUMPAY SA TOKYO OLYMPICS 

OLLP

PANGUNGUNAHAN ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at ng tatlong iba pang medalists sa Tokyo ang isang Thanksgiving Mass sa Our Lady of Lourdes Parish ngayong Miyerkoles sa Tagaytay City.

Si Diaz ay nasa bansa na matapos na masikwat ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa —women’s -55 kgs ng weight-lifting sa Tokyo noong nakaraang Hulyo 26 — upang paningningin ang lumabas na pinakamatagumpay na kampanya ng bansa sa Olympics sa loob ng 97 taon.

Nagwagi sina boxers  Nesthy Petecio at Carlo Paalam ng tig-isang silver medal sa women’s featherweight at men’s flyweight, ayon sa pagkakasuno, habang nag-ambag si Eumir Felix Marcial ng bronze sa men’s middleweight para sa four-medal haul mula sa 19-athlete delegation.

“We wish to thank the Almighty for our success in the Tokyo Olympics. First and foremost, we look at the medals as gifts from God,” wika ni Philippine Olympic Committee president at Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Si Cavite Bishop Reynaldo Evangelista ang mag-o-officiate sa Holy Mass na magsisimula sa alas- 11 ng umaga.

Tanging ang medalists at kanilang coaches at ilang POC at national sports association officials ang dadalo sa seremonya dahil sa travel restrictions sa ilalim ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Ang mga  boxer at coach ay dumating isang araw matapos ang Tokyo Olympics closing ceremony noong Agosto 8 at sumailalim sa compulsory quarantines sa Summit Ridge sa Tagaytay at sa  Hotel Sofitel sa Pasay City.

9 thoughts on “THANKSGIVING MASS PARA SA TAGUMPAY SA TOKYO OLYMPICS ”

  1. 812874 11943This write-up gives the light in which we can observe the reality. This really is quite nice 1 and gives in-depth info. Thanks for this nice write-up. 920347

  2. 18647 494403Normally I dont learn post on blogs, even so I wish to say that this write-up quite pressured me to try and do it! Your writing taste has been surprised me. Thank you, quite fantastic post. 304792

  3. 895239 326707Hello! I just wish to give a huge thumbs up for the good info youve gotten appropriate here on this post. I will likely be coming back to your weblog for far more soon. 369452

Comments are closed.