TIGERS RUMESBAK (Bulldogs pinatahimik sa OT)

UST

NAITALA ng University of Santo Tomas ang 87-74 overtime win laban sa National University upang makabawi sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Umiskor si Rhenz Abando ng pitong puntos sa huling 1:32 ng regulation bago naisalpak ang dalawang pressure-packed triples sa extra frame upang makumpleto ang paghahabol ng Growling Tigers.

Ang bounce-back win ay nagbigay sa Growling Tigers ng 3-1 kartada habang nanatiling walang panalo ang Bulldogs sa 0-3.

Tumapos si Abando na may 21 points, 6  rebounds, at 2 assists kung saan bumangon ang UST mula sa five-point hole, 63-68, may 42.3 segundo ang nalalabi sa fourth quarter.

Naging sandigan ng UST ang depensa kung saan naipuwersa nila ang dalawang krusyal na turnovers mula sa puntong ito patungo sa split ni Zach Huang sa line upang maitabla ang talaan sa 68-68.

Bumawi si Enzo Joson sa kanyang miscues sa pag-iskor ng go-ahead lay-up, may 6.5 segundo ang na­lalabi, subalit muling itinabla ni Soulemane Chabi Yo ang laro sa 70-70 sa isang lay-in, may 2.1 segundo sa orasan.

“Buti bumuhos pa rin ‘yung mga bata especially sa last six seconds. While our opponents were celebrating, we’re able to convert and force it to overtime,” ani coach Aldin Ayo.

Nanguna si Chabi Yo para sa Growling Tigers na may 23 points, 20 rebounds, at 4 assists, habang nag-ambag si Sherwin Concepcion ng 13 points at 6  rebounds.

Tumipa si David Ildefonso ng 16 points at 6 rebounds para sa NU, habang nagdagdag si John Lloyd Clemente ng 12 points ay 7 boards.

Iskor:

UST (87) — Chabi Yo 23, Abando 21, Concepcion 13, Nonoy 9, Subido 7, Paraiso 6, Huang 5, Cansino 3, Ando 0, Bataller 0, Cuajao 0.

NU (74) — D. Ildefonso 16, Clemente 11, Joson 10, S. Ildefonso 9, Gaye 6, Oczon 5, Galinato 3, Mangayao 2, Gallego 0, Mosqueda 0, Rangel 0.

QS:  21-16, 30-31, 47-52, 70-70, 87-74.

Comments are closed.