TIMBOG SA BUY BUST SA VALENZUELA

ARRESTED

KULONG ang dala­wang hinihinalang tulak at dalawa nilang suki matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. David Nicolas Poklay ang mga naarestong suspek na sina Jordan Dela Cruz, 24, ng 6122 Calle Onse St., Gen. T. De Leon, Mark Bench Torcuator, 20, ng 840 Libis Baesa St., Caloocan City, Ronnie Rase, 30, construction worker ng 28 Pag Ibig St., Lingunan at Rey Daniel Balangue, 21 ng 14 Pitacion St., Marulas.

Sa imbestigasyon ni PSSgt. Ana Liza Antonio, ala-1:00 ng madaling-araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Maj. Jowilouie Bilaro ang buy bust operation kontra kina Dela Cuz at Torcuator sa Calle Onse St. sa koordinasyon sa PDEA.

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nakabili ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P200 kina Dela Cruz at Torcuator.

Nang magkaabutan, ay kaagad sumalakay ang iba pang mga operatiba at inaresto ang mga suspek kasama sina Rase at Balangue na kaiiskor lang umano ng shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim na plastic sachets ng hinihinalang shabu, buy bust money at  P300.    EVELYN GARCIA