‘TINAPANG LAWLAW’ UMUUSOK NA NEGOSYO SA SORSOGON

SUMISINGAW ang tagumpay ng Poblacion Unified Fisherfolk Association (PUFA) sa dalawang magkasunod na production batch ng ‘tinapang lawlaw’ na nagpapakita ng kanilang lumalaking lokal na proyektong pangkabuhayan.

Noong nakaraang buwan, ang mga miyembro ng PUFA ay nagproseso ng 40 kilo ng lawlaw na sardinas at ito ay dinagdagan ng karagdagang 20 kilo nitong Hulyo 11.

Ang pinausukang sardinas ay ibinebenta sa halagang 35 pesos kada 1/4 kilo o P140 kada kilo.

Ang mga batch na ito ay minarkahan ang ika-8 at ika-9 na produksyon ng tinapa ng PUFA mula nang ipatupad ang Special Area for Agricultural Development Program Phase II (SAAD) livelihood intervention.

Ang asosasyon ay nakatuon sa paggawa ng pinausukang isda tuwing Huwebes na naglalayong magkaroon ng apat na produksyon kada buwan.

Ang pare-parehong iskedyul ay naglalayong palakihin ang kita at ipon ng mga ito.

Ayon sa PUFA ang smokehouse kung saan naka-display ang mga pinausukang isda ay nagsimula nang makaakit ng mga lokal na mamimili.

Ang tagumpay at aktibidad ng asosasyon ay kinilala sa panahon ng KASAG Festival 2024 partikular sa Food Expo.

Samantala, binati ni Allan M. Canon, SB Committee Chair on Tourism and Environment ang PUFA sa pagiging isa sa mga pinaka-aktibong organisasyon sa Castilla.
RUBEN FUENTES