SINIGURO ng Department of Agriculture (DA) sa mga market retailer na makabibili pa rin ang mga ito ng abot-kayang pulang sibuyas.
Ito ay para makasunod pa rin sa P170 kada kilo na suggested retail price (SRP) na itinakda ng pamahalaan.
Ayon kay DA Assistant Secetary Kristine Evangelista, nais ng ahensiya na makakuha ng mura ngunit magandang kalidad ng sibuyas ang mga retailer at mamimili.
Sinabi pa ni Evangelista na dahil sa mataas na presyo ng pulang sibuyas, mas tinatangkilik ng mga retailer ang maliliit na sibuyas upang mas madaling maibenta.
DWIZ 882