(Tiniyak ng DOE) WALANG BROWNOUT SA 2022 POLLS

Felix William Fuentebella

SINIGURO ng Department of Energy (DOE) sa publiko na walang magaganap na rotational brownout sa 2022 election.

Ayon kay Energy Undersecretary at Spokesperson Felix William Fuentebella, batay sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang power reserves at hindi power supply ang inaasahang ninipis sa summer period sa susunod na taon.

Mas mataas, aniya, ang demand ng koryente sa naturang panahon, partikular sa Mayo 19 hanggang 23 dahil sa kakulangan ng tubig sa hydro plants.

Sinabi ni Fuentebella na kahit manipis ang power reserves, mataas pa rin ito sa yellow line na nangangahulugan ng sapat na supply, walang yellow alert at walang interruption. DWIZ 882

6 thoughts on “(Tiniyak ng DOE) WALANG BROWNOUT SA 2022 POLLS”

  1. 420943 860912Hi, ich habe Ihre Webseite bei der Suche nach Fernbus Hamburg im Internet gefunden. Schauen Sie doch mal auf meiner Seite vorbei, ich habe dort viele Testberichte zu den aktuellen Windeleimern geschrieben. 148845

Comments are closed.