(Tiniyak ng DTI) PRESYO NG BILIHIN TUTUTUKAN

SINIGURO ng Department of Trade and Industry (DTI) na magtutuloy-tuloy ang pagbabantay nila sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong pumasok na ang bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, layon nito na mapigilan ang mabilis at hindi makatarungang pagtataas ng halaga ng basic commodities.

Giit ni Castelo, titiyakin nilang nagagampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin na bantayan ang presyo ng mga bilihin sa mga merkado.

Hinimok naman ng DTI official ang publiko na bisitahin ang kanilang E-presyo app upang malaman ang tamang halaga ng mga produkto.

Maaari rin aniyang maghain ng reklamo gamit ang app na ito, o kaya’y mag-post ng kani-kanilang mga komento.