(Tiniyak ng LTFRB) SAPAT NA PUBLIC TRANSPORT SA NCR PLUS

Martin Delgra III

TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang sapat na bilang ng mga pampublikong transportasyon sa gitna ng pag-iral ng heightened general community quarantine (GCQ) sa NCR Plus.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, nasa 50% kapasidad na ang papayagan sa public utility vehicles (PUVs).

Gayunman, dapat aniyang matiyak na hindi dikit-dikit o siksikan ang mga pasahero sa loob ng mga sasakyan para mapanatili ang social distancing.

Samantala, inirekomenda ng LTFRB ang direktang pag-aabot ng bayad sa mga driver upang maiwasan ang direct contact ng mga pasahero sa isa’t isa.

Ang Metro Manila at mga karatig-probinsya ng Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal ay isinailalim ni Pangulong Rodrigo sa heightened GCQ simula Mayo 15 hanggang Mayo 31.

9 thoughts on “(Tiniyak ng LTFRB) SAPAT NA PUBLIC TRANSPORT SA NCR PLUS”

  1. 90682 786429whoah this weblog is magnificent i really like reading your posts. Keep up the great function! You know, lots of people are searching around for this information, you can help them greatly. 148609

Comments are closed.