SUPORTADO ni Trade Secretary Ramon Lopez ang panawagan ng mga business group na huwag nang palawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila matapos ang Agosto 20.
“As long as mawala po iyong threat ng surge ng Delta variant, kami ay po naniniwala na puwede po sanang magde-escalate tayo to MECQ (modified enhanced community quarantine) at magbigay ng granular lockdown na lang,” sabi ni Lopez sa Laging Handa briefing.
Ayon kay Lopez, tatalakayin ng inter-agency task force ang bagong quarantine status ng Metro Manila ngayong linggo.
Nauna nang nagbabala si Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na aabot sa P105 billion kada linggo ang mawawala sa ekonomiya ng bansa sa pagsasailalim sa NCR sa ECQ.
Ang Metro Manila ay isinailalim sa pinakamahigpit na community quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng mas mabilis makahawang Delta variant ng COVID-19.
950975 443099But wanna comment on few common issues, The site style is perfect, the content material is truly excellent : D. 481951