NAKATUTOK ang Department of Energy (DOE) sa posibleng epekto ng El Niño sa power sector ng bansa.
Ang El Niño ay opisyal nang nagsimula nitong linggo at sa pagtaya ng PAGASA ay magtatagal ito hanggang sa first quarter ng 2024.
Ayon kay DOE Sec. Raphael Lotilla, binabantayan ng ahensiya ang sapat na suplay ng koryente lalo’t posibleng tumaas ang demand dahil sa tagtuyot.
Aniya, titiyakin din nila na mapagagana ang iba pang alternatibong pagkukunan ng enerhiya sa bansa para hindi kapusin ang suplay.
Kabilang dito ang coal power plant at ang aangkating liquified natural gas (LNG).
Ayon pa sa kalihim, maaari namang magamit ang lahat ng available na planta maging ang hydroplant kahit nararanasan ang El Niño.