Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Magnolia vs Blackwater
7 p.m. – San Miguel vs Columbian
NASAYANG ng TNT KaTropa ang 21 puntos na kalamangan, subalit gumawa ng key plays sa fourth quarter upang malusutan ang NLEX Road Warriors, 117-106, sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.
Ang panalo ay nagbigay sa KaTropa ng 6-1 kartada at sumalo sa liderato sa walang larong Rain or Shine upang mapalakas ang kanilang kampanya para sa isa sa top two seeds sa quarterfinals.
Anim na TNT players ang umiskor ng double-digits, sa pangunguna ni import Joshua Smith na nagbuhos ng 24 points at 13 rebounds. Tumipa si Anthony Semerad ng 22 points, 11 ay naitala sa third quarter upang tulungan ang TNT na mabawi ang kontrol sa laro.
Gumawa si Terrence Romeo ng 19 points at walong assists mula sa bench, habang nag-ambag sina Jericho Cruz ng 12 points, Roger Pogoy ng 11 points at Jayson Castro ng 10 points.
Sa kabila nito, naniniwala si TNT coach Nash Racela na hindi naging madali para sa kanila ang panalo.
“I just think NLEX has been doing a very decent job the last two games, playing without Kiefer (Ravena),” wika ni Racela patungkol sa NLEX rookie na suspendido hanggang sa Agosto ng susunod na taon makaraang magpositibo sa tatlong banned substances.
“I think it’s a very tough situation for them and the coaches, but the way I see it, they’ve been doing a lot of good things in the team. That’s why today we had a hard time,” dagdag pa niya.
Bumagsak ang NLEX sa 2-5 marka at sa ika-9 na puwesto.
Iskor:
TNT (117) – Smith 24, Semerad 22, Romeo 19, Cruz 12, Pogoy 11, Castro 10, Rosario 6, Williams 5, Golla 3, Trollano 3, Garcia 2, Reyes 0, Carey 0, Paredes 0.
NLEX (106) – Moultrie 31, Mallari 15, Fonacier 14, Ighalo 11, Quinahan 9, Taulava 6, Miranda 4, Marcelo 3, Rios 2, Soyud 2, Baguio 2, Monfort 0, Uyloan 0.
QS: 45-30, 63-56, 89-82, 117-106
Comments are closed.