LAST January of this year ay ikinasal si Maxine Magalona at model boypren na si Rob Mananquil, na sinundan naman ni Vaness del Moral at ng kanyang non-showbiz boypren na si Matt Kier, si Rachelle Ann Go at boypren na foreigner na si Martin Spies, sina Billy Crawford at Coleen Garcia, at kamakailan lang ay ikinasal naman si Rich Asuncion sa kanyang boypren na Rugby player na si Benjamin Mudie.
At sa mga avid followers ng mag-syotang sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ay marami na ang nag-aabang kung kailan naman sila magpapakasal. Nasa hustong edad na rin naman sila pareho, matagal-tagal na rin naman ang relasyon and growing stronger pa nga everyday. Pero tila wala pang balak na pakasalan ni Tom ang syota, dahilan sa ‘di pa naman ito nagpo-propose ng kasal.
Sa kabilang banda, inamin naman ni Tom na napag-uusapan na nila ni Carla ang tungkol sa pagpapakasal at pinaghahandaan nila ito ng husto. Say pa rin ni Tom, hindi raw siya magpapa-pressure sa kasalang nagaganap ngayong taon sa showbiz world. Ang mahalaga ay ‘yung susundin nila ni Carla kung ano ang nasa loobin nila at hindi ‘yung magpapa-pressure dahil sa kasal ng kapwa nila celebrities. Kung happy sa kanyang lovelife si Tom ay happy rin naman siya sa kanyang showbiz career. Hindi nga ba nabalitang tatapusin na sa ere ang teleserye nila ni Jennylyn Mercado, ang “The Cure” dahilan sa hindi raw ito ‘kinagat’ ng viewing public.
Ani ni Tom, hindi raw totoong matatapos na agad ang ‘The Cure’ sa katunayan pa nga raw ay tuloy-tuloy ang taping nila na umabot na sa 7 weeks na episode. At lumalaki pa nga raw ang kanilang casting sa pagpasok ng mga bagong karakter sa katauhan nina Kris Bernal at Matt Evans. At patuloy pa rin daw na magdadagdag ng mga iba pang karakter.
KABALIWAN NI MARVIN AGUSTIN LEVEL UP
KUWELA ang naging post of appreciation ni Marvin Agustin para sa kanyang co-stars sa “Kambal, Karibal” dahil medyo in-character ang pagpuri niya kina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Kyline Alcantara at Pauline Mendoza. Sinabi niyang busy siya sa paghahanap ng iba pang paraan para pahirapan ang mga “anak” niya sa set. Pagbibiro ng Kapuso actor,
“Pinag-uusapan lang namin ng mga magulang n’yo kung ano pa puwedeng pagpapahirap na puwede kong gawin sa inyo habang enjoy na enjoy ang mga tao sa mga kabaliwan ko. Pumayag sila Geraldine at Allan, nakatutuwa naman kasi naintindihan nila na may mabuting nadudulot ang kasamaan ko.” Inimbitahan din niya ang mga Kapuso viewers na patuloy na suportahan ang show at baka kapag nagpatuloy ang ganda ng ratings nila ay maging quadruplets pala sina Crisan at Crisel.
Comments are closed.