TONI GONZAGA EXITS PBB, BIANCA GONZALEZ ENTERS

UMALIS na sa Pinoy Big Brother si Toni Gonzaga bilang host pero walang pormal na resignation na naganap, ngunit pinili niya si Bianca Gonzalez sa “main hosting job.”

Reliable source sa ABS-CBN ang nagsabing wala na si Toni sa PBB. Ang dahilan daw ay dahil sa paghu-host niya sa political campaign rally ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio sa Philippine Arena noong February 8.

Sa nasabing political campaign rally, ipina­kilala ni Toni si Marcos Jr. bilang “susunod na presidente” at si Duterte-Carpio bilang “susunod na bise presidente.” Ipinakilala rin niya si Rodante Marcoleta na siyang Deputy Speaker ng House of the Representatives. Siya ang nanguna sa panggigisa sa resource persons ng ABS-CBN noong 2020, at isa sa 70 mga kongresistang bumoto ng “Yes” para mabasura ang pag-renew sa prangkisa ng ABS-CBN.

Dahil dito, nadismaya ang pamunuan ng ABS-CBN at mga kasamahan ni Toni sa trabaho.

Kung anuman ang totoo sa tsikang ito, malalaman din natin sa mga susunod pang araw.

Wala pang paliwanag si Toni ukol dito.KNM