IPINANGANAK si Toni Gonzaga kakambal ang intriga kaya kayang kaya nito ang mga bashers niya, ito ang pahayag ng kapatid niyang si Alex Gonzaga.
Aniya, “equipped” si Toni sa bashing dahil pinalaki sila ng kanilang mga magulang na malakas at may paninindigan. Kahit daw sa pamilya, iba-iba sila ng political stand, dahil sabi raw ng daddy nila, karapatan yon ng bawat isa, pero mas importante ang pamilya higit sa kung ano pa mang any issue, kaya sinusuportahan nila ang isa’t isa.
Dagdag pa ni Alex, preschool pa lang, nabu-bully na si Toni. Hangga ngayon, nabu-bully pa rin ito, pero kayang-kaya ito ni Toni dahil tutulungan siya ng nasa Itaas.
“Pag pinagagalitan siya ng daddy ko, sinasabi ng daddy ko, ‘Hindi ka magre-react?’” dagdag pa ni Alex. “Matapang talaga ang ate ko as a person kaya nga sabi ko siguro nga talagang she was really born for this kasi kaya niya.”