ITINANGGI ng multimedia star na si Toni Gonzaga na nagparetoke siya ng ilong.
Ito ay bilang tugon sa tanong ng isang netizen na na-upload sa latest vlog ng kapatid niyang si Alex sa portion na “Correcting Your Assumptions”.
Palagay kasi ng nasabing netizen ay nagpaayos ng ilong ang asawa ng acclaimed director na si Paul Soriano.
Sey naman ni Toni, kung magpapatangos daw man siya ng ilong, gusto raw niya na gayahin ang ilong ng Hollywood actress na si Ashley Judd na para sa kanya ay perfect at flawless.
Si Toni, tulad ng kanyang sisterette na si Alex ay isa na ring matagumpay na vlogger na may humigit-kumulang na one million followers kung saan noong nakaraang buwan ay nakaabot na ito ng Golden Play Button sa Youtube.
TONTON TALO ‘PAG PINAGTULUNGAN NINA GLYDEL AT INA
AMINADO si Tonton Gutierrez na protective siya sa kanyang mga anak na sina Anneza at Anneka lalo pa’t mga babae ang mga ito.
Sey pa niya, natural lang daw para sa isang parent na mag-alala sa kapakanan ng kanyang mga anak.
Katunayan, nasa tama lang daw ang paghihigpit niya sa kanyang mga anak para madisiplina ang mga ito.
Pero kung minsan daw, kapag nagpapaalam sa kanya ang kanyang anak, natatalo raw siya kapag pinagtulungan na siya nina Glydel at ng kanyang ina at beteranang aktres na si Liza Lorena.
Kung tutuusin, mas kunsintidor daw ang mga ito sa kanyang mga anak na babae.
Happy naman si Tonton dahil habang lumalaon ay lalong tumitibay ang pagsasama nila ng kanyang misis na si Glydel Mercado na kasal na for 15 years.
“Relax lang kasi kami. Maybe, the key na rin is open communication lalo na sa children namin,” aniya.
Kasama sa cast ng Kid Alpha One si Tonton na sobrang bilib sa galing na ipinakita ng newbie actor na si Javi Benitez sa kanyang launching movie.
“He’s a revelation. I think, iyong Tagalog lang niya ang kailangan niyang i-polish, pero madali na iyon. I saw him na intense at passionate sa craft niya,” pagbubunyag ni Tonton.
Comments are closed.