TOP 4 MOST WANTED AT 7 PA HULI NG PNP

BULACAN – ARES­TADO ang Top 4 most wanted person (MWP) Sibat Target  ng pinagsanib na puwersa ng Malolos Police Station at Criminal Investigation and Detection Group, 104th Regional Mobile Force Batta­llion-1 sa Brgy. Caba-ca­raan Zone 4, San Manuel, Pangasinan  kahapon.

Sa report na ibinahagi ni PNP Region 3 Director PBGen. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang nadakip na si Mark Anthony Dela Cruz y Serra, 21, binata, delivery boy, ng Brgy. Cabacaraan, Zone 4, San Manuel.

Sa inisyal na  report ni P/Lt. Col Abating, naaresto si  Mark Anthony sa bisa ng warrant of arrest na may criminal case no. 6550-52-M-2018 na inisyu ni Branch 85 Regional Trail Court  Hon. Judge Ma. Cristina G Laderdas sa tatlong kaso ng rape kung saan walang piyansang inerekomenda ang korte laban sa kanya.

Samantala, pito katao pa na pawang mga wanted person ang ina­resto sa magkakahiwalay na lugar sa Malolos City, Marilao, Bustos, Sta. Maria at San Jose del Monte.

Kinilala ang mga nadakip na sina  Fritz Paul Colon y Tizon, 31, ng Brgy. Longos, Malolos City, sangkot sa kasong paglabag sa Section 5 of RA 9262; Rowellito Sanchez y De Juan alyas Uel, 38, ng Brgy. Talampas, Bustos, sa kasong attempted homicide at direct assault upon an agent of person in authority.

Nadakip din sina John Mark Nallares y Bernades, 21, ng Brgy. Bagbaguin, Sta. Maria, sa kasong slight physical injuries; Dennis Fernando Potal, 34, ng Brgy. Bunlo, Bocaue, na sabit sa kasong frustrated parricide; Remedios Reyes y Buena, 60, ng Brgy. San Rafael 5, CSJDM sa kasong BP (an act penalizing the making or drawing and issuance of a check without sufficient funds or credit and for other purposes); Christopher Cabreros y Austria, 45, ng Brgy. Sta. Cruz, Sta. Maria, sa kasong paglabag sa Sec. 5 of R.A. 9262; at Jennifer Centeno y Nicolas, 46-anyos, ng Brgy. Bagong Bayan ,Malolos sa kasong falsification of public document.THONY ARCENAL

Comments are closed.