INIREREKOMENDA ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri ang total lockdown sa Senado matapos na magpositibo ang apat na empleyado rito.
Sinabi ni Zubiri na nadagdagan ng apat ang mga empleyado na nagpositibo sa virus.
Ang isa sa apat ay mula sa opisina ni Zubiri, ang isa ay sa tanggapan ni Senador Nancy Binay at dalawa mula sa isa pang opisina ng senador na hindi pinangalanan.
Ayon sa Majority leader, maiging huwag munang mag-skeletal force sa Senado dahil delikado ang sitwasyon at dapat mag-total lockdown muna at mag-disinfect.
Maging sa pagbubukas ng Senado sa 2nd regular session sa Hulyo 27 ay inirekomenda ni Zubiri na patuloy na limitahan ang tao rito at huwag din munang papuntahin ang media.
Para naman kay Senate President Vicente Sotto, depende ang pasok ng mga empleyado kay Senate Secretary Myra Villarica, subalit hindi talaga maaaring total lockdown dahil may mga empleyado na kailangang pumasok para magawa ang payroll dahil hindi naman ito maaaring iuwi sa bahay.
Simula noong Marso ay mahigit 20 na ang mga empleyado na nagpositibo sa COVID-19 kung saan isa ang staff ni Senador Bong Revilla Jr., ang nasawi. LIZA SORIANO
TF AGAINST TRAFFICKING OFFICE SA NAIA IPINASARA
INIUTOS ng Department of Justice (DOJ) na pansamantalang isara ang opisina ng Task Force Against Trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals 1, 2 at 3 matapos magpositbo ang apat nilang personnel sa COVID-19.
Ayon sa report, ang apat na tauhan ng TFAT ay nagpositibo sa swab test na isinagawa sa Philippine General Hospital (PGH) nitong Hulyo 2, 2020.
Kaugnay nito sasailalim sa14-day lockdown ang opisina ng TFAT mula Hulyo 8 kasabay ang disinfiction at cleansing procedures dito.
Iniutos din ni DOJ Undersecretary Villar na lahat ng kanilang kawani na nakatalaga sa NAIA na magpa-swab test at mag-self quarantine.
Iniutos naman ni Manila I ternational Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang disinfection sa naturang opisina. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.