DUMATING sa bansang Hokkaido government officials na pinangunahan ni Vice Governor Hitoshi Kubota, upang makipag-ugnayan sa pamahalaan tungkol sa kanilang mga pangunahing tourist spot sa kanilang lugar.
Ayon sa pahayag ni Vice Governor Kubota, ang Hokkaido ay isa sa pangunahing tourist destination sa Japan partikular na sa domestic at international tourists, matapos makarekober sa hagupit nang September 6 earthquake.
Dagdag pa ni Kubota, madaling makarating sa kanilang lugar sapagkat ang Philippine Airlines (PAL) ay mayroon nang direct flight mula Manila – Sapporo – Manila para matugunan ang demand ng mga Filipino tourist.
Magsisimula ang biyahe ng Philippine Airlines na Manila at Sapporo sa darating na Disyembre 7, 2018.
Ang pangunahing PAL flight PR406 ay aalis sa Manila tuwing araw ng Lunes, Miyerkoles at Biyernes bandang 1:55 ng umaga ay darating ito ng alas-8:30 ng umaga at babalik pa-Manila ng 9:45 ng umaga.
Gamit ng PAL ang bagong 168-seater Airbus single-aisle A321 NEO aircraft, na may 12 full-flat business class seats at 156 economy seats na may wider legroom at inseat TV monitors sa lahat ng upuan.
Mayroon itong Wi-fi connection, at myPAL e-Suite upang makapasok sa 300 hours ng entertainment selections. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.