INAASAHANG matatapos na ng lahat ng PBA teams ang kanilang unang RT-PCR tests ngayong Huwebes, at kung walang magiging problema ay papayagan nang makapagsimulang maghanda para sa tinatarget na Season 46 mid-June kickoff sa Mayo 20.
Ang Meralco Bolts ang unang sumalang sa swab test at maaari nang simulan ang kanilang planong 10-day bubble training camp sa Laoag, Ilocos Norte sa Mayo 15.
Ang NLEX Road Warriors, Blackwater Bossing at Rain or Shine Elasto Painters ay nakatakda noong Martes habang ang ibang koponan ay Miyerkoles at Huwebes.
Ang lahat ng koponan ay isasailalim sa tests sa ikalawang pagkakataon, dalawang araw bago ang simula ng kanilang training.
“Naunang nagpa-test ang Meralco. Puwede na silang magsimula ng ensayo by May 15,” sabi ni PBA commissioner Willie Marcial.
Kinokonsidera rin ngTNT KaTropa ang isang bubble training sa Laoag mula sa imbitasyon ni Ilocos Norte Gov. Matthew Manotoc.
Samantala, kabilang ang Blackwater, Phoenix at Alaska sa mga koponang posibleng mag-ensayo sa Batangas City.
Sa kasalukuyan ay hinihintay ng liga ang anunsiyo ng gobyerno sa quarantine status matapos ang Mayo 14.
Sa naunang resolution na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force, ang PBA ball clubs ay pina-payagang magsagawa ng team activities, kabilang ang 5-on-5 scrimmages, sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine o modified GCQ. Pawa silang umaasa na luluwagan na ang restrictions sa NCR Plus sa susunod na IATF ruling. CLYDE MARIANO
374013 685911However, what about the conclusion? Are you sure in regards to the supply? 189310
335535 547476Glad to be one of several visitants on this awful website : D. 26179