OUT of control ang bagong mutation ng coronavirus sa ilang bahagi ng England at ito ay mabilis na lumalaganap ayon sa UK government.
Nag-isyu na ang ilang mga bansa ng travel ban mula sa UK kabilang ang Germany, Italy, The Netherlands, at sinuspinde na rin ng France ang pagbiyahe ng mga pasahero at ilang freight transport mula sa UK.
Pansamantala namang isinara ang Port of Dover.
Ipinatupad na ng pamahalaan ang restriksyon sa England at sa Wales.
Kabilang naman sa new Tier 4 rules ang London, Kent at malaking bahagi ng Essex na kung saan ay pinaalalahanan ang mga residente na manatili sa kanilang bahay habang ipinasara naman ang mga non-essential shops sa nasabing mga lugar.
Tumaas ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa UK na umabot sa halos 36,000 sa loob lamang ng 24-oras halos doble sa naitala nakaraang linggo.
Umabot na sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa UK sa 2,040,147 habang 67,401 ang death toll ng bansa. LIZA SORIANO
Comments are closed.