BUKIDNON – NASAWI sa harapan ng kanyang paslit na anak ang isang tribal leader nang pagbabarilin ito sa Barangay Canangaan, Cabanglasan.
Kinilala ang biktima na si Datu Sammy Diwangan, 45-anyos, Indigenous Peoples Mandatory Representative ng nasabing lugar.
Pahayag ni 8th Infantry Battalion commanding officer Lt. Colonel Ronald Illana na matagal nang pinagpaplanuhang patayin si Diwangan ng mga miyembro ng New People’s Army base sa rebelasyon ng ilang mga rebel returnees.
Aniya, kinasusuklaman ng mga armadong grupo sa pangunguna ni alyas Alab si Diwangan dahil pinipigilan nito ang kanilang recruitment at extortion activities.
Si Diwangan ang pinatay ng apat na miyembro ng rebeldeng grupo habang nagtatrabaho sa kaniyang sakahan sa Bukidnon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.