TROPANG GIGA DIDIKIT SA KORONA

Laro ngayon:

DHVSU Gym,  Bacolor, Pampanga

4:35 p.m.- TNT vs Magnolia

(Game 3)

SISIKAPIN ng Tropang Giga na makalapit sa korona kontra Magnolia sa Game 3 ng PBA Philippine Cup ngayon sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Kailangan naman ng Hotshots na makakita ng tamang adjustments para mapigilan ang Tropang Giga at makaiwas na malubog sa 0-3.

Nakatakda ang salpukan sa alas-4:30 ng hapon.

Sa kasalukuyan ay one-sided ang serye para sa TNT kung saan nadominahan ng tropa ni coach Chot Reyes ang Game 1, 88-70, pagkatapos ay kumarera sa maagang 21-point lead at inapula ang mainit na fourth-quarter rally ng Magnolia para sa 105-93 panalo sa Game 2.

Muling sasandal ang Hotshots kay super rookie Mikey Williams na pangungunahan ang opensa ng koponan.

Walang pahinga ang Tropang Giga kung saan tumutugon sila sa panawagan ng kanilang coach na magpokus sa pagpapahusay sa bawat araw, bawat laro.

At wala silang planong magkampante dahil batid nilang may kakayahan ang Hotshots na bumawi.

“We are playing a tough team and we can’t take it lightly,” wika ni Williams, ang main man sa kasalukuyan sa serye sa kanyang averages na 24.5 points, 9.5 rebounds, 5.5 assists at 1.5 steals.

Sinabi ni Reyes na naging mahigpit ang laban sa Game 2.

“That game was a lot closer than the score indicated,” ani Reyes. “It just happened that we shot very well in the first half. But we’ve been around long enough to know that’s not gonna happen everyday. We expect a close game every single game in this series and we’re not going to change that expectation going to Game 3.”

Nakakuha ang TNT ng malaking suporta mula kay Kelly Williams sa Game 2. Subalit walang katiyakan ang kanyang kalagayan dahil sa sore back.

“He anchors our defense. But as you saw, we subbed him out again in the fourth and we couldn’t get him back in because the back spasm was acting up. We’ll see how it’s gonna be for the next game,” ani  Reyes. CLYDE MARIANO

Comments are closed.