TURO NI HARING SOLOMON: GUMAWA NANG MAY KATALINUHAN

“ANG aliping gumagawang may katalinuhan ay mamamahala sa anak na gumagawa ng kahihiyan,” (Kawikaan 17:2)

Maraming anak si Haring David mula sa iba-ibang asawa. Si Solomon ay ang pang- sampu niyang anak. Maraming mas nakatatanda sa kanya na dapat sana ay ang maging kahalili ng amang Haring David. Si Solomon ay ang pinili ng hari na humalili dahil siya ang nagpamalas ng pinakamalaking karunungan, takot sa Diyos, at pagkamasunurin sa magulang.

Ang mga kuya ni Solomon ay mga “spoiled brat” (namimihasa). Lumaki silang walang disiplina, suwail, at walang pagmamahal sa Diyos.

Ang panganay na anak ni David ay si Amnon. Ayon sa batas, siya dapat ang magiging kahalili ng hari, subalit masama ang ugali niya. Nahumaling siya sa kanyang kalahating kapatid na babae na si Tamar. Ang babaeng ito ay ubod ng ganda. Nagkaroon ng matinding abnormal na pagnanasa si Amnon para kay Tamar. Subalit dahil isang “birhen ng Israel” si Tamar, hindi siya puwedeng lapitan o kausapin ng lalake. Labis-labis ang pagkasiphayo ni Amnon; naging lagi siyang depressed at ayaw kumain. Tinanong siya ng matalik niyang kaibigan kung ano ang nangyayari sa kanya. Ipinahayag niya ang lihim niyang pagmamahal sa kanyang kalahating kapaAd na babae.

Inabisuhan siya ng tuso niyang kaibigan na magkunwaring may sakit. Pag nagtanong ang amang hari kung ano ang problema, hilingin niya na hayaang ang kapatid niyang si Tamar ay dumating para maghanda ng pagkain niya.

Ganoon nga ang ginawa ng hari; inutusan si Tamar na maghanda ng pagkain para sa kuyang may sakit. Subalit nang nag-iisa na sina Amnon at Tamar sa kuwarto, bigla sinunggaban ng kuya ang kapatid niyang babae at ginahasa ito.

Nang makaraos na siya, napoot ang hangal na kuya sa kapatid na babae at pinalayas ng bahay. Nadurog ang puso ng babae at umalis na hiyang-hiya at nagluluksa. Ang kawawang babae ay tumandang dalaga at nagtatago sa bahay ng kanyang buong-kapatid na si Absalom.

Ang kataka-taka, hindi man lang pinarusahan ni David ang kanyang panganay na anak. Hindi naging mabuting ama si David dahil hindi siya marunong magdisiplina. Samantala, nagtanim ng matinding galit laban kay Amnon ang buong kapatid ni Tamar na si Absalom. Makalipas ang ilang taon, dumating ang kanyang pagkakataon. Inimbitahan niya si Amnon sa isang handaan at nang malasing ito, pinapatay ni Absalom sa kanyang mga bodyguard. Tumakas si Absalom at nag-ibang bayan.

Pagkatapos ng ilang taon, pinatawad ni David si Absalom sa kanyang krimen. Samantala, palihim na nag-organisa si Absalom ng isang pambansang rebelyon laban sa hari. Nagkaroon ng digmaang sibil sa Israel. Bagama’t mas marami ang tagasunod ni Absalom, natalo siya ng mga magigiting na mandirigma ni David. Napatay si Absalom. Nanatiling hari si David hanggang sa kanyang katandaan.

Paglipas ng panahon, nang napakatanda na ni Haring David, ang isa pa niyang anak na si Adonijah, kahit walang pahintulot ng hari, ay nag-organisa ng malaking grupo ng tagasunod at nagdeklarang siya na ang bagong hari ng Israel kahit buhay pa ang ama. Inimbitahan ni Adonijah ang lahat niyang mga nakababatang kapatid at kinumbinsing sumuporta sa kanyang pagiging hari; ang hindi lamang niya inimbitahan ay si Solomon. Marahil ay natunugan ni Adonijah na malapit ang kalooban ni David kay Solomon dahil ito ang pinaka-nagmamahal sa Diyos at pinakamasunurin sa hari.

Nang isumbong ng mga tapat na lingkod ni David ang ginawa ni Adonijah, madaling dineklara ni David na si Solomon ang talagang pinipili niyang kahaliling hari. Inutusan niya ang lahat niyang mga opisyal na pahiran ng banal na langis si Solomon at iupo sa trono bilang bagong hari. Nang magpakita pa rin si Adonijah ng hangaring mang-agaw sa trono, pinapatay siya ni Haring Solomon. Naobserbahan ni Solomon na ang mga marurunong at tapat na lingkod ni Haring David ay may matatag na puwesto sa kaharian at binigyan ng mga pamanang lupain.

Ipinagpatuloy ni Solomon sa puwesto ang mga tapat na mga taong ito. Dahil sa kanilang husay sa gawain, naging mapayapa, maunlad at matatag ang kaharian si Solomon. Samantala, ang mga abusado at korap na opisyal ni David ay Ananggal sa puwesto, tumanda at namatay na mahirap. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Haring Solomon,

“Ang aliping gumagawang may katalinuhan ay mamamahala sa anak na gumagawa ng kahihiyan.”

Nagtrabaho ako bilang Human Resource Manager at ganito rin ang naobserbahan ko. Ang mga matatalino at tapat na empleyado ay laging natataas sa puwesto at nagiging mga manager. Ang mga korap at palpak na empleyado ay nalalagay sa kahihiyan at natatanggal sa puwesto.

Nagkaroon kami ng isang bise-presidente na masyadong bilib sa sarili. Inabisuhan niya ang kompanya namin na bilhin ang kalabang kompanya para mawala ang kompetensiya namin. Subalit mali ang pananaliksik niya; iyon palang kompanyang iyon ay nasa ilalim ng “sequestraAon order” ng gobyerno. Kaya milyon-milyong piso ang nawala sa kompanya namin. Binuwag ang dibisyon niya at daan-daang mga inosenteng empleyado ang nawalan ng trabaho, kasama na ang bise-presidente. Kaya para tayo yumaman nang matatag, laging maging mapagkumbaba, matapat at marunong sa gawain.

vvv
(Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang YouTube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe. Salamat.)