T’WOLVES UNGOS SA NETS

timberwolves vs nets

NEW YORK – Ku­mana si Kyrie Irving ng 50 points sa record-setting Nets debut, subalit nawalan ng balanse at nagmintis sa potential winning shot na nagbigay sa Minnesota Timberwolves ng 127-126 panalo laban sa  Brooklyn sa overtime noong Miyerkoles ng gabi.

Nagbuhos si Karl-Anthony Towns ng 36 points at 14 rebounds para sa Minnesota, at nagdagdag si  Andrew Wiggins ng 21 points, kabilang ang go-ahead basket, may  1:19 ang nalalabi.

Makaraang lumagda sa Nets noong Hulyo, binura ni Irving ang record ni Kiki Vandeweghe para sa may pinakamaraming puntos ng isang player sa kanyang unang laro sa koponan.  Gumawa si Vandeweghe ng 47 points para sa Portland sa Kansas City noong Oct. 27, 1984.

Tumapos si Irving na may 8 rebounds at 7 assists. Nagdagdag si Caris LeVert ng 20 points.

NUGGETS 108, TRAIL BLAZERS 100

Tumipa si Nikola Jokic ng 20 points at 13 rebounds sa kabila ng inilabas sa malaking bahagi ng first half dahil sa trouble, at binigo ng Denver ang opening game ng 50th season ng Portland.

Umiskor si Will Barton ng 19 points para sa Nuggets, na pinutol din ang 18-game winning streak ng Portland sa home openers, ang pinakamahabang streak sa kasaysayan ng liga.

Nanguna si Damian Lillard para sa Blazers na may 32 points at 8 assists, at nag-ambag si  Hassan Whiteside ng 16 points at  19 rebounds sa kanyang debut sa Portland.

76ERS 107,

CELTICS 93

Tumabo si Joel Embiid ng 15 points at 13 rebounds, at umiskor si Ben Simmons ng 24 points nang gapiin ng Philadelphia ang Boston.

Nagbida si Gordon Hayward para sa Celtics na may 25 points. Gumawa si Jayson Tatum ng 21 at nakalikom si Kemba Walker ng 12 points sa 4-of-18 shooting sa kanyang Boston debut. Tumipa naman si Al Horford ng 16 sa kanyang ­unang laro sa 76ers.

Naipasok nina Furkan Korkmaz at Tobias Harris ang magkasunod na 3-pointers para sa ­Philadelphia – makaraang magmintis ang Sixers ng 21 sa 24 sa tatlong quarters – upang palobohin ang kalamangan sa 10.

MAVERICKS 108, WIZARDS 100

Humataw si Luka Doncic ng 34 points at 9 rebounds at gumawa si Kristaps Porzingis ng  23 points sa pinakaaaba­ngang unang laro ng  European pair upang pangunahan ang Dallas kontra Washington.

Sumablay si Porzingis sa kanyang unang apat na tira bago nagpahinga at bumalik upang umiskor ng siyam na puntos sa huling  2:45 ng first quarter. Ang 7-foot-3 na Latvian na kinuha sa isang blockbuster deal sa New York Knicks bago ang trading deadline noong nakaraang season ay 7 of 16 mula sa  field.

Sa iba pang laro, pinaso ng Heat ang Grizzlies,  120-101; ginapi ng Pistons ang Pacers, 119-110;  pinataob ng Spurs ang Knicks, 120-111; pi­nayuko ng Suns ang Kings, 124- 95; namayani ang Jazz sa Thunder, 100-95; dinispatsa ng Hornets ang Bulls, 126- 125; at giniba ng  Magic ang Cavaliers, 94-85.

Comments are closed.