UAAP: MAROONS DUMIKIT SA KORONA

Laro sa Miyerkoles:

(Mall of Asia Arena)

6 p.m. – UP vs Ateneo

PINATAOB ng University of the Philippines ang Ateneo sa overtime, 81-74, upang lumapit sa pagtuldok sa 36-year title drought sa UAAP men’s basketball tournament sa harap ng  11,852 fans kagabi sa Mall of Asia Arena.

Isang fastbreak lay-up ni Carl Tamayo ang nagbigay sa Fighting Maroons ng 79-74 kalamangan, may 1:58 ang nalalabi.

Nakatakda ang Game 2 sa Miyerkoles, alas-6 ng gabi, sa parehong Pasay venue, kung saan target ng UP ang ikatlong korona — at ang una magmula noong 1986 — at wakasan ang coronavirus-interrupted reign ng Katipunan rivals nito na nagsimula noong 2017.

Nanguna si Ricci Rivero para sa Maroons na may 19 points, 4 steals, 2 assists at 2  blocks habang nagbuhos si Xavier Lucero, bumawi mula sa poor outing sa  Final Four decider, ng double-double na 17 points at 13 rebounds.

Ito ang unang Finals overtime game magmula noong Oct. 12, 2013, nang makipo ng La Salle ang championship kontra University of Santo Tomas, 71-69.

Tumipa si Angelo Kouame ng 18 points at 11 rebounds habang kumubra sina SJ Belangel at Raffy Verano ng tig-17 points para sa Ateneo.

Iskor:

UP (81) — Rivero 19, Lucero 17, Spencer 13, Diouf 10, Tamayo 10, Cagulangan 4, Alarcon 4, Abadiano 4, Fortea 0, Ramos 0.

Ateneo (74) — Kouame 18, Belangel 17, Verano 17, Mamuyac 7, Ildefonso 6, Andrade 3, Chiu 2, Koon 2, Daves 2, Tio 0, Padrigao 0.

QS: 17-19, 32-31, 47-54, 70-70, 81-74