Standings W L
*Ateneo 12 0
*UP 10 2
DLSU 7 5
FEU 6 6
AdU 5 7
NU 4 7
UST 3 8
UE 0 12
*Final Four
Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – UE vs NU
12:30 p.m. – AdU vs DLSU
4:30 p.m. – FEU vs Ateneo
7 p.m. – UST vs UP
LUMAYO ang Ateneo sa second period upang tambakan ang Adamson, 91-57, at hilahin ang kanilang undefeated run sa 12 games sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.
Pumasok sa laro na walang talo sa second round, binigyan ng Falcons ang Blue Eagles ng magandang laban sa unang 10 minuto ng laro bago nagpakawala ang defending three-time champions ng 20-7 sa second quarter upang itarak ang 40-24 lead sa break at hindi na lumingon pa.
Hinila rin ang kanilang perfect run sa 38 games magmula pa noong October 2018, ang Ateneo ay lumapit ng dalawang panalo sa pagkopo ng outright Finals berth.
Ang pagkatalo ay tumapos sa four-game winning streak ng Adamso na bumagsak sa labas ng Final Four range na may 5-7 record.
Nanguna si naturalized center Ange Kouame na may 18 points, 9 rebounds at 5 assists habang umiskor din si Matthew Daves ng 18 points para sa Eagles.
Nauna rito ay tumipa si Zavier Lucero ng 20 points at 14 rebounds nang makuha ng University of the Philippines ang nalalabing twice-to-beat advantage sa Final Four sa pamamagitan ng 81-68 pagdomina sa wala pang panalong University of the East.
Bumawi naman ang Far Eastern University mula sa masamang third quarter shooting sa mainit na payoff period upang pigilan ang La Salle sa pagmartsa sa Final Four sa pamamagitan ng 67-62 panalo.
Iskor:
Unang laro:
FEU (67) — Abarrientos 21, Torres 14, Sleat 10, Gonzales 9, Ojuola 4, Sajonia 3, Alforque 2, Tempra 2, Celzo 2, Sandagon 0, Bienes 0.
DLSU (62) — Nelle 15, Baltazar 13, Lojera 10, M. Phillips 7, Nwankwo 6, Nonoy 4, Austria 4, Cuajao 3, Manuel 0, B. Phillips 0, Cu 0, Galman 0.
QS: 25-15, 42-29, 47-49, 67-62
Ikalawang laro:
UP (81) — Lucero 20, Rivero 17, Cansino 8, Tamayo 7, Eusebio 7, Diouf 6, Abadiano 6, Cagulangan 4, Fortea 4, Spencer 2, Calimag 0, Alarcon 0.
UE (68) — Antiporda 15, N. Paranada 13, Escamis 9, K. Paranada 8, Beltran 7, Sawat 4, Pagsanjan 4, J. Cruz 3, Villanueva 3, Lorenzana 2, Abatayo 0, Tulabut 0, Guevarra 0, Pascual 0, P. Cruz 0.
QS: 18-8, 44-26, 59-44, 81-68
Ikatlong laro:
Ateneo (91) — Kouame 18, Daves 18, Koon 8, Ildefonso 7, Belangel 7, Padrigao 6, Tio 6, Verano 6, Mamuyac 6, Mendoza 4, Andrade 3, Lazaro 2, Gomez 0.
AdU (57) — Lastimosa 16, Manzano 8, Yerro 8, Douanga 6, Barasi 5, Hanapi 4, Sabandal 3, Peromingan 3, Colonia 2, Magbuhos 2, Jaymalin 0, Zaldivar 0, Maata 0, Fuentebella 0, Erolon 0, Calisay 0.
QS: 20-17, 40-24, 65-41, 91-57