Laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
5:30 p.m. – NU vs DLSU
BAGAMAN dehado sa kanilang UAAP women’s volleyball championship series kontra National University, ang La Salle ay nananatiling kumpiyansa sa kanilang tsansa na makasilat.
Maaaring walang bahid ang Lady Bulldogs sa elimination round, subalit posibleng magkaroon ng ibang kuwento sa finals.
“I think level ‘yung playing field (sa Finals). I don’t think may value dito ‘yung 14-0,” wika ni Lady Spikers assistant coach Benson Bocboc, na nagsasalita sa ngalan ni coach Ramil De Jesus sa post-match interview.
“Umabot tayo ng Finals best-of-three, so unahan na lang kami sino unang makapanalo,” dagdag pa niya.
Ang La Salle ay nasa kanilang ika-11 finals sa nakalipas na 12 seasons – ang nag-iisang pagkakataon na nawala ito ay noong 2019 nang magAteneo and University of Santo Tomas faced off for the crown in the league’s most recent competition before the pandemic.