UMENTO SA SAHOD MADALIIN

Deputy Minority Leader Luis Campos Jr

KINALAMPAG ng isang kongresista ang mga regional wage board na kumilos para sa dagdag-sahod sa harap ng mga nagtataasang presyo ng bilihin at serbisyo.

Giit ni Deputy Minority Leader Luis Campos Jr., mas may rason na para sa minimum wage increase sa mga rehiyon dulot na rin ng mataas na inflation rate na nararanasan ng bansa.

Aniya, dapat nang kumilos ang mga wage board para mabigyan ng kaluwagan ang mga Filipinong kumikita lamang ng minimum o mas mababa pa  kada buwan.

Ayon kay Campos, 17 regional wage boards pa lamang ang nag-utos na dagdagan ang minimum na sa-hod.

Kabilang dito ang Region 4A-Calabarzon na may umento na P14 hanggang P21.50 sa minimum wage; Region 12-Soccsksargen na may P16 hanggang P18 increase; Region 6-Western Visayas, P8.50 hanggang P26.50; at Region 8-Eeastern Visayas na may P20 hanggang P30 minimum wage increase.

Ibinabala ng kongresista ang posibleng pagsipa pa ng inflation sa 5.2% sa  mga susunod na buwan.  CONDE BATAC

Comments are closed.