UNANG SEMIS WIN SA SEA LIONS

Mga laro bukas:
(Paco Arena)
2:30 p.m. – NU-Sta. Elena vs Navy
5:30 p.m. – VNS vs Cignal

DINISPATSA ng elimination round topnotcher PGJC-Navy ang VNS-One Alicia, 25-23, 25-22, 25-22, para sa kanilang unang semifinals win sa Spikers’ Turf Open Conference kahapon sa Paco Arena.

Hataw si Greg Dolor ng 2 blocks para sa 20-point outing, habang umiskor si Jao Umandal ng 12 points, kabilang ang match-clinching kill na kumumplero sa paghahabol mula sa 12-16 deficit, na sinamahan ng 15 receptions.

“Siguro itong laban namin, medyo pangit ‘yung laro namin ngayon, pero naipanalo,” sabi ni PGJC-Navy coach Cecille Cruzada matapos ang one-hour, 30-minute contest. “Nawalan kami ng first receive talaga at tsaka parang hindi nag-synchronize yung blockings namin kaya medyo nawala kami.”

Pumalit kay Ronniel Rosales na nagtamo ng injury sa first set, si Jemmy Entig ay nag-ambag ng 9 points para sa Sea Lions.

“Si Entig, malaking tulong din kanina kasi gumana siya. Masaya ako kay Entig kasi nag-step up siya,” ani Cruzada.

Susunod na makakasagupa ng PGJC-Navy, na nagwagi ng limang sunod, ang NU-Sta. Elena bukas.