UNANG TRIPLE-DOUBLE NI LEBRON SA LAKERS

LEBRON JAMES-7

NAKAPAGTALA si LeBron James ng 28 points, 11 rebounds at 11 assists upang makamit ang unang triple-double sa bago niyang team at dalhin sa panalo ang Los Angeles Lakers kontra sa bumibisitang Denver Nuggets, 121-114.

Ito rin ang unang panalo ng Lakers sa home ngayong season. Unang nagwagi ang Los Angeles nitong ­Miyerkoles.

Kumamada ang Lakers ng 19-4 run sa huling  bahagi ng fourth quarter. Umiskor si Kyle Kuzma 22 points at nag­dagdag naman si JaVale McGee ng 21. Nagtala si McGee ng hindi bababa sa 20 points sa dalawang magkasunod na laro; ito ang una simula 2012 noong bahagi pa siya ng Washington Wizards.

Bumuslo naman si Nikola Jokic ng 24 points at 11 rebounds para sa Nuggets. Nag-ambag naman sina Jamal Murray ng 22 points at 10 rebounds at Monte Morris ng 20 mula sa bench.

CELTICS 101, THUNDER 95

Naungusan ng tiebreaking 3-pointer ni Marcus Morris, may 28.7 segundo ang nalalabi sa laro, ang host Okla-homa City upang isulong ang panalo ng Boston.

Pinangunahan ni Jayson Tatum ang Celtics na may 24 points habang nagdagdag sina Morris ng 21 points at 10 rebounds mula sa bench, Al Horford ng 19 points at nine boards, at Kyrie Irving ng 15 points.

Bumandera naman si Paul George sa Thunder na may 22 points. Umiskor naman si Russell Westbrook ng 13 points, 15 rebounds at 8 assists.

TRAIL BLAZERS 128, MAGIC 114

Nakamit ni Damian Lillard ang season-high 41 points, kabilang na ang 19 sa third quarter, upang manalo ang Portland kontra Orlando.

Kumamada si CJ McCollum ng 22 points para sa Trail Blazers, habang nagdagdag pa sina Jusuf Nurkic ng 18 points at 10 rebounds at Zach Collins ng 17 points.

Bumuslo naman si Nikola Vucevic para sa Magic ng 24 points at 11 rebounds. Umiskor si Ter-rence Ross ng 21 points, Evan Fournier ng 17, at Aaron Gordon ng 17 points.

PISTONS 110, CAVALIERS 103

Nanatiling walang talo sa apat na laro ang Detroit sa tulong ni Andre Drummond na umiskor ng 26 points at 22 rebounds kontra sa walang panalong Cleveland.

Nakamit ni Drummond ang kaniyang 22nd career 20-20 game at ikalawa ngayong season.

Nagbigay naman si Blake Griffin, na nakakuha ng career-high 50 points sa overtime win kon-tra Philadelphia 76ers noong Martes, ng 26 points at 10 rebounds.

Nag-ambag naman sina Reggie Jackson ng 16 points at Ish Smith ng 10 para sa Pistons.

Pinangunahan ni Kyle Korver angCavaliers sa 21 points habang nakapagtala si Jordan Clarkson ng 18.

Comments are closed.