UNOCCUPIED NA PABAHAY IBIBIGAY SA IBA

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang joint resolution No. 2 ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na nag-aawtorisa sa National Housing Authority (NHA) na ibigay na lamang sa mga kuwalipikadong benepisyaryo ang unoccupied units para sa mga kawani ng Sandatahang Lakas at Pambansang Pulisya at mga ahensiya sa ilalim nito.

Nakasaad sa joint resolution na base sa report ng Commission on Audit (COA) para sa taong 2016 umaabot sa 62,000 units ng pabahay ang natapos na subalit nasa 7,143 pa lamang ang naookupahan ng mga nabanggit na personnel.

Lumilitaw naman sa report ng NHA para sa taong 2017 nasa mahigit 8,000 pabahay pa lamang ang okupado.

Ang mga datos na nabanggit ang nagbigay daan para sa Kongreso na isulong na mai-award na lamang ang mga hindi pa okupadong pabahay sa mga uniformed personnel sa ibang qualified beneficiaries.           EVELYN QUIROZ

Comments are closed.