MAHIRAP at masakit na pag-ihi, sakit sa balakang, dugo sa ihi, masakit na pantog at minsan may kasamang lagnat, iyan ang ilan sa mga sintomas at senyales ng sakit na urolithiasis.
Para malaman kung ano ang sakit na Urolithiasis, mahalagang alamin ang istruktura ng ating Urinary System. Ang urinary system ng isang tao ay ang nagsasala ng dumi sa ating dugo sa pamamagitan ng pag-ihi. Ang bahagi nito ay ang kidney, ureter, urinary bladder at urethra. Ang urolithiasis ay ang pamumuo ng bato alinman sa mga bahaging nabanggit.
Ang pagbuo ng urolithiasis ay sanhi ng maraming factors. Ilan dito ay ang kaunting pag-inom ng tubig na nagpapakaunti ng ating ihi, mataas na bilang ng calcium, oxalate, calcium phosphate, uric acid, o cystine sa ihi at pati na rin ang paulit-ulit Urinary Tract Infection sanhi ng bacteria. Maraming klase o uri ng stone na maaring tumubo sa ating kidneys, ilan sa mga ito ay ang calcium oxalate o calcium phosphate stone na siyang pinaka common. Ang uric acid, magnesium ammonium phosphate, at cystine stones ay mga madalang na klase ng stones.
Ang tipikal na biglaan, tuloy-tuloy at grabeng sakit sa balakang na gumagapang papuntang pantog at si-nusundan ng pag-ihi ng dugo ay ang classic na sintomas at senyales ng urolithiasis.
Ito ay dahil sa pagkalas ng stone na maaaring maisama sa pag-ihi at minsan naman ay nagiging sanhi ng komplikasyon sa pamamagitan ng pagbara sa ano mang parte ng ating urinary system. Ang komplikasyon na ito ay maaaring mauwi sa pagpalya ng ating mga kidneys kapag hindi ito naagapan.
Ang urolithiasis ay maaaring ma-diagnose sa pamamagitan ng Ultrasound, ito ay sensitibo sa pagtutuklas ng Kidney Stone o Nephrolithiasis at Urinary Bladder Stone o Cystolithiasis, ngunit may limitation sa pagtuklas ng bato sa Ureter o Ureterolithiasis na maaaring makita sa pamamagitan ng CT Stonogram na siya ring Gold Standard sa pagda-diagnose ng sakit na ito.
Ang paggamot sa sakit na urolithiasis ay nakabase sa laki, klase ng stone at lokasyon nito sa ating Urinary System. Ang common na pag-manage ay sa pamamagitan ng pag-control ng sakit na dulot nito, tamang hydra-tion at pag-inom ng mga gamot na nakatutunaw nito. Nakatutulong din ang pag-a-alkalanize ng ihi sa pama-magitan ng pag-inom ng gamot na ibinibigay ng ating mga doctor na epektibo sa Uric at Cystine Stones. Ang maliliit na Kidney Stone ay maaring lumabas ng kusa, ngunit yaong may mga malalaking sukat ay maaaring mangailangan ng pagdurog sa pamamagitan ng Extracorporeal Shock Wave Lithotripsy (ESWL), o pagtanggal nito sa pamamagitan ng operasyon.
Kung may katanungan, maaaring mag-email sa [email protected] o i-like ang fanpage na medicus et legem sa facebook.