MULING tiniyak ng United States Embassy sa Filipinas na mananatili ang kanilang presensiya sa karagatang sakop ng West Philippine Sea na may ilang isla ang pinag-aagawan ng ilang bansa kabilang na ang Filipinas.
Sa isang pulong balitaan ay nilinaw ni US Ambassador Sung Kim na hindi mawawala ang presensiya ng mga US war ship at mananatili silang naglalayag at paulit ulit na igigiit ang freedom of navigation sa nasabing bahagi ng WPS.
Ayon kay Kim na nais ng US government na mapanatili ang malayang paglalayag ng kalakalan sa nasabing strategic sea lane na dinadaanan ng ha-los one-third ng commercial and trade navigation na umaabot sa bilyon bilyong dolyares.
Pahayag pa ni Kim, “Even though we are not a claimant, we take very serious interest in what’s happening in the South China Sea, and that’s why we work very hard to protect freedom of navigation, freedom of overflight. These are principles and values that are important for all of us, not just for the Pacific region, but for the international community that’s why we’re carrying out freedom of navigation operations.”
Kaugnay nito sinabi pa ng ambassador na mahalagang lugar para sa lahat ang South China Sea kaya nais ng U.S. na maging bukas ang sea lanes sa kalakalan kasunod ng pahayag na tuloy-tuloy ang kanilang gagawing paglalayag sa nasabing area kasama ang mga nakalatag na naval exercises gaya ng katatapos na multilateral naval drill na sinalihan ng Filipinas, Japan, at India.
Nabatid na maging ang U.S ay naalarma na sa matagal nang pamamayagpag ng mga Koreano sa tinatawag ng Filipinas na West Philippine Sea.
Tiniyak din ni Kim na mananatili ang suporta ng U.S. sakaling magkaroon ng shooting war sa pagitan ng mga nag-aagawang bansa.
Ilan sa mga bansang may interest sa isla na sakop ng West Philippine Sea ang Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan.
Tiniyak ni Kim na mananatiling suportado ng US ang Filipinas sakaling magkaroon ng armadong hidwaan sa pagitan ng mga bansang nakikipag-agawan ng teritoryo. VERLIN RUIZ
Comments are closed.