MASAYANG naka-kuwentuhan sa Usapang Payaman nina Susan Cambri, Eunice Calma at Cris Galit sina Edison Tan, owner ng Kuya Ed’s Roasted & Fried at Mary Easter Claire S. Perez-Torres, marketing head. Tiyak na magugustuhan ng mga kustomer ang kanilang roasted at fried chicken, liempo, BBQ, Pinoy-style spaghetti, lumpiang shanghai at marami pang iba. Sulit na sa sarap, affordable pa!
Nasa larawan din sina Marvin N. Estigoy, VP-Advertising Sales at Cez Cabiles ng DWIZ at Home Radio. Ang Usapang Payaman ay hatid ng PILIPINO Mirror na mapakikinggan tuwing linggo sa DWIZ 882, 2pm – 3pm. Napapanood din ito sa Facebook Page at YouTube Channel ng DWIZ at nasa test broadcast ng IZTV23.