MAYNILA – GINAGAMOT pa rin sa ospital ang isang accounting student ng University of Sto. Tomas makaraang mahulog sa foot bridge sa España Boulevard, Sampaloc.
Ayon sa Manila Police District-Police Station 3, unang isinugod sa UST Hospital si Jan Wilcel Peñaflor y Cacho, 20, Nayon St., Sampaloc, saka inilipat sa St. Luke’s Hospital
Naganap ang insidente kamakalawa ng alas-12:00 ng hatinggabi sa Cayco Foot Bridge na nasa España Blvd., corner Cayco St., Sampaloc, Maynila.
Ilang saksi umano ang nakakita na naglalakad sa foot bridge ang biktima nang bigla itong mahulog sa ibaba.
Kaagad umanong rumesponde ang mga miyembro ng UBA Police Community Precinct sa pangunguna ni SPO2 Arthur Cantor at saka tumawag ng ambulansiya.
Dumating naman makalipas ang ilang minuto ang Raha Sulayman Rescue Ambulance sa pangunguna ni Francisco Vargas at dinala ang biktima sa UST Hospital. PAUL ROLDAN
Comments are closed.