INULIT ng League of Association of La Trinidad Vegetable Trading Area sa trading post sa Benguet capital town ang kanilang apela sa city government ng Baguio na suspendihin ang truck ban para sa mga truck na nagdadala ng gulay.
“May we request you honor to lift the truck ban among the vegetable trucks from Dec. 20 to 31 this year,” lahad ng sulat ng grupo noong Disyembre 6 at tinanggap ng Office of the City Mayor noong Disyembre 12.
Binigyan din ng kopya ang opisina ni Councilor Benny Bomogao, chairman ng committee sa transportation.
Sa sulat, sinabi ng grupo na kung ang pag-aalis ng truck ban ay hindi posible, hiling nila na ang city government na mag-isyu ng 30 pang truck ban passes na makatutugon sa dami ng demand ng prodyus ngayong holiday season.
Sa isang text message, sinabi ni Agot Balanoy, ng group’s public relations office, na umaasa sila na tutugunin ng city government agad bago mag-Pasko at sa Bagong Taon.
Sinabi ni Balanoy na ang Disyembre ang pinakamalakas na panahon sa vegetable industry.
“It is during this time that farmers hope to sell most of their produce since the demand doubles or triples. These vegetables from Benguet and nearby vegetable producing provinces supply key markets as far as Batanes in the north and Palawan and General Santos City in the South,” sabin niya.
Sinabi ni Balanoy na ang kanilang hiling ay para payagan ang maayos na delivery ng highly perishable vegetables sa mga konsyumer.
Ang Baguio City truck ban ordinance ay hindi nagpapahintulot ng mga trak na dumaan sa mga kalye sa central business district (CBD) tuwing rush hours mula 6 a.m. to 9 a.m. at mula from 4 p.m. hanggang 9 p.m.
Ang La Trinidad trading post kung saan ang mga gulay ay dinadala ng mga magsasaka ay dumaraan sa mga kalye sa CBD para makarating sa Mar-cos Highway, ang primary road na palabas sa rehiyon patungo sa kanilang distinasyon.
Bagama’t may mga kalye sa diversion roads sa Suello Village at sa Balakbak Barangay, ang mga truck na may dalang tonelada ng gulay ay hindi makapag- maneuver dahil sa delikadong daanan, na delikado hindi lamang sa mga trucker kundi sa mga residente sa lugar
Sinabi ni Balanoy na napakahalaga ng oras sa pagde-deliver ng mga gulay dahil ang bawat pagkaantala ay magdudulot ng pagkasira sa kalidad ng gulay, at kalugihan sa mga magsasaka at mataas na presyo para sa mga konsyumer para makabawi sa pagkalugi. PNA
Comments are closed.