SA interview ni Joe Barrameda kay Vicky Morales ay naikuwento ng sikat na Kapuso newscaster na marami siyang dinaanang sakripisyo at hirap bago natamo ang pangarap na maging newscaster.
Nag-aaral pa siya sa Ateneo nang mag-audition siya sa ABS-CBN at mapalad naman siyang natanggap bilang newscaster sa Kapamilya Network.
That time, ay walang kamalay-malay si Vicky na nakita at natipuhan siya ni Ms Charo Santos-Concio dahil sa kanyang ganda at charisma. Nagkasama kasi sila ni Ms. Charo sa isang softdrink commercial na ang campaign theme ay What A Feeling, kaya inalok siya nitong mag-artista.
Natural na flattered siya sa alok na maging artista pero news reporting talaga ang isa sa mga pangarap niya sa buhay.
Tulad nang isang baguhan na kinakabahan sa unang pagsabak sa trabaho ay hindi nawala ang kaba ni Vicky. Dumaan siya sa iba`t ibang training bilang news reporter. Hanggang siya ay maging anchor, pero dahil hindi pumasa sa panlasa ng mga executive ang tema ng kanyang pagbabalita ay tinanggal siya.
Nalungkot at iniyakan niya ang pagka-tsugi pero naging hamon ito para mas lalo niyang pagbutihin ang kanyang performance bilang newscaster.
Hindi naman itinanggi ni Vicky na sa tatlong buwan na pagpasok bilang news reporter ay kinakabahan siya sa harap ng kamera, hanggang sa makatanggap siya ng tawag mula sa production staff ni Dong Puno para alukin siyang maging co-anchor nito sa isang business program sa ABS-CBN.
Hindi rin siya nagtagal sa ABS CBN dahil nang magkaroon ng audition sa GMA 7 ay kaagad siyang nag-apply at dahil magaling talaga at may puso sa pagbabalita ay natanggap siya bilang newscaster.
Katunayan ng pagiging magaling na female newscaster ni Vicky ay makailang beses siyang tumanggap ng karangalan sa PMPC Star Awards.
Sa 33rd PMPC Star Awards for TV ngayong Linggo ng gabi (October 13) na gaganapin sa Ateneo Theater ay igagawad kay Vicky Morales ang Lifetime Achievement Award.
KIM CHIU IBINULGAR ANG MAGIC ARINOLA SA KANYANG VAN
MARAMI ang naaliw sa vlog ni Kim Chiu sa kanyang YouTube account na kung saan ipinakita niya ang loob ng kanyang sasakyan.
Sa loob ng kanyang van ay makikita ang kung ano-anong nakalagay. Mistulang bahay na nga raw ang sasakyan na may kama pa.
Maraming naaliw sa pagre-reveal niya kung saan siya umiihi sa loob ng kanyang van.
Wala kasing CR ang kanyang van at tanggap niya na hindi puwedeng lagyan ng toilet ang van kaya ipinakita niya kung paano at saan siya umiihi.
Ipinakita niya ang isang black box at suspense pa kung ano ang laman. Pero nang buksan niya ay tumambad ang isang arinola na kulay violet. Pamana raw ‘yun sa kanya ng kanyang lola na tinawag niyang “Arinola Chiu.”
“Everywhere I go, I really have to bring this, kasi mahirap na. This is the key to a very successful UTI (Urinary Tract Infection)-free,” say ni Kim na tumatawa.
“This will bring you to UTI-free movement. So, ‘pag naiihi, ‘wag pipigilan, arinola is the key. Sometimes, it smells sinigang, bulalo, but this is the key,” say pa ni Kim.
“Pero t..e, hindi ako tat..e rito, grabe na ‘yun! Ihi lang,” say pa ni tsinitang actresss.
Ipinakita pa niya kung paano siya kung umupo sa arinola. Kaya naman aliw-aliw ang mga netizens na nakapanood ng video at may nag-comment pa na mas maganda pa raw ang van ni Kim kaysa sa entire house nila.
Comments are closed.