VIETNAM SEA GAMES: UNANG GOLD NG PH NASIKWAT NI PADIOS

HANOI — Nasungkit ni Mary Francine Padios ang unang gold medal ng Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games nang madominahan ang pencak silat’s women’s seni (artistic or form) tunggal single nitong Miyerkoles sa Bac Tu Lien Gymnasium dito.

Inilagay ni Padios ang Pilipinas sa medals table na sinimulang dominahan ng Vietnam kahapon, isang araw bago ang opening ceremony ng biennial multi-sport festival.

Nahigitan ni Padios, 18, at ipinagmamalaki ng Kalibo, Aklan ang silver na kanyang napanalunan sa Philippines 2019 edition, isang tagumpay kung saan naging inspirasyon niya ang kanyang amang si Jerome na naaksidente bago mag-Pasko.

“My dad has become my inspiration after he figured in a terrible car accident on her way home in Aklan just before Christmas,” sabi ni Padios, na ang ama ay comatose magmula noon. “He was so exhausted and drowsy from work he slept before the wheel and met the accident.”

“He’s been movitating me ever since,” sabi pa ni Padios, na ang 9.960 score ay dinaig ang paboritong si  Arum Sari ng Indonesia na nagkasya sa silver na may 9.945.

Samantala, nagwagi ang national kurash athletes ng 2 silver medals na kaloob nina Helen Aclopen (women’s -48kg) at Charmea Quelino (women’s -52kg), at bronze medals mula kina George Baclagan at Renzo Cazeñas.

Noong Martes ay matikas na nakihamok ang  Filipino beach handball sa Vietnam bago natalo sa shootout, 14-12, 18-12 (8-10), para magkasya sa silver medal, na ayon kay coach Joanna Franquelli ay kasing kinang ng gold.