VILLANUEVA KAMPEON SA MALAYSIA STANDARD CHESSFEST

Chess

PINAGHARIAN ni FIDE Master Nelson Villanueva ng Pilipinas ang standard event ng 2nd CMC Chess Club Classical Chess Swiss Below 2400 nitong Hunyo 5 sa MesaMall Nilai, Negeri Sembilan, Malaysia.

Ang La Carlota City, Negros Occidental native na si Villanueva ay nakakolekta ng perpektong 7.0 puntos upang angkinin ang top prize sa 7-round event.

“I’m happy that I was able to perform well,” sabi ni Villanueva.

“I feel proud, I was able to give my best,” dagdag ni Villanueva, cochampion sa Big Rook Chess Festival 2023 Standard Open tournament na ginanap sa Thomson Hotel Huamark sa Bangkok, Thailand noong Mayo 4-7, 2023.

Ang dating Rizal Technological University (RTU) Mandaluyong City standout na si Villanueva ay umiskor ng mga tagumpay laban kina Vagesan Sinnatambi ng Malaysia sa unang round, Muhd Faris Aminuddin ng Malaysia sa second round, Muhd Afdal Noor Azman ng Malaysia sa ikatlong round, National Master Leonardo Alidani ng Pilipinas sa fourth round, Muhd Syakir Shazmeer Azhar ng Malaysia sa fifth round, Sarmadoli Siringo-ringo ng Indonesia sa sixth round at Irwandi ng Indonesia sa seventh round.

Ang isa pang Filipino entry na si National Master Leonardo Alidano ay nagtapos na tabla para sa ikalawa hanggang ikatlong puwesto, kasama si Muhd Afdal Noor Azman ng Malaysia na parehong nagtala ng 5.5 puntos.

-MARLON BERNARDINO