NANANATILING libre ang Visayas at Mindanao sa African swine fever (ASF), na nagbunsod sa culling ng halos 7,000 baboy sa ilang bahagi ng Luzon, pahayag ng Department of Agriculture (DA) kamakailan.
Ang sakit ay tinawag na “concentrated” sa mga probinsiya ng Rizal at Bulacan at sa Quezon City, ayon kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes.
“The ocean is a geographical barrier. ‘Di gaya ng China, it’s landlocked kaya kumalat nang todo ang cases (that’s why the disease spread),” ani Reyes na siyang tagapagsalita ng ahensiya.
Nag-aalok ang gobyerno ng tulong na pinansiyal na P3,000 sa bawat culled na baboy at zero-interest loan na P30,000 na puwedeng bayaran ng tat-long taon para sa hog raisers.
Nagdudulot ang African swine fever ng hemorrhagic fever sa mga baboy na kalimitan ang nakamamatay. Hindi naman ito nakahahawa sa mga tao at ibang hayop, ayon sa awtoridad.
Ang baboy ay nasa 60 porsiyento sa kinakaing karne sa Filipinas, ang ika-8 sa pinakamalaking pork producer by volume, at sa swine industry na tinatayang nasa P260 billion, naunang sabi ng DA.
Ang duda ng mga awtoridad sa mga kaso ng swine fever ay nag-ugat sa backyard hog raisers na nagpapakain ng kanilang mga baboy ng “swill”, mga tira-tirang pagkain mula sa mga hotel at restaurant.
Dagdag pa ng DA na ang virus ay puwedeng ma-trace sa mga smuggled frozen meat at mga bumabalik na overseas Filipino workers (OFWs) na nagdadala ng infected meat products.
Noong Mayo, sinabi ng UN Food and Agricultural Organization na ang presyo ng baboy ay nagsimula nang tumaas, ng halos 50 porsiyento pareho sa China at sa Chicago futures exchange.
Comments are closed.