NAGPASYA na ang Commission on Elections (Comelec) na palawigin pa hanggang sa susunod na buwan ang voter registration sa bansa para sa May 9, 2022 national and local elections.
“Extension is unanimously approved,” pagbabahagi ni Comelec spokesperson James Jimenez.
Ayon naman kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, ang voter registration extension ay itinakda ng poll body mula Oktubre 11 hanggang 30, mula 8:00AM hanggang 5:00PM.
Wala na aniyang voter registration ng Sabado at Linggo, maliban na lamang sa Oktubre 30, na natapat ng araw ng Sabado, at kung kailan mag-bubukas sila ng hanggang alas-5:00 ng hapon.
Nauna nang sinabi ni Comelec chairman Sheriff Abas na inaprubahan na ang pagpapalawig ng voter registration extension mula Oktubre 9 hanggang 31.
Gayunman, ang Oktubre 9 ay natapat sa araw ng Sabado, habang ang 31 naman ay natapat sa araw ng Linggo.
Idinagdag naman ni Guanzon na ang reactivation ay maaari pa ring gawin sa pamamagitan ng e-mail o personal appearance sa Comelec office.
“Voter registration extension Oct 11 to Oct 30 No Saturdays except Oct 30 8am to 5pm. Monday to Friday 8am to 5pm. Reactivation still thru email or personal appearance,” tweet pa ni Guanzon.
Matatandaang ang voter registration ay nakatakda na sanang magtapos ngayong Setyembre 30, 2021.
Gayunman, nagpasya ang Comelec na palawigin pa ito bunsod na rin ng kahilingan ng mga mamamayan, gayundin ng Senado at Kamara.
Ani Abas, hindi naman muna magkakaroon ng voter registration mula Oktubre 1 hanggang 8 dahil ang naturang mga petsa ay itinakda ng Comelec para sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato para sa halalan.
Nabatid na hanggang nitong Setyembre 11, umaabot na sa 63,364,932 ang registered voters para sa May 9, 2022 elections.
OVERSEAS VOTER REGISTRATION, EXTENDED DIN NG 2 LINGGO
Inianunsiyo ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na maging ang overseas voter registration para sa May 9, 2022 elections ay palalawigin din ng poll body.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Jimenez na ang voter registration extension para sa mga overseas voters ay tatagal ng dalawang linggo o mula Oktubre 1 hanggang 14.
Ito ay isasagawa kasabay sa petsa ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato sa Oktubre 1 hanggang 8, dahil hindi naman aniya ito isyu sa overseas voter registration.
“Registration of overseas voters is extended for two weeks — Oct. 1 – 14,” tweet pa ni Jimenez.
“Note that for overseas voting, the filing of COCs is not an issue, thus, the extension starts immediately,” dagdag pa niya.
Matatandaang una na ring inaprubahan ng Comelec ang voter registration extension para sa mga local registrant mula Oktubre 11 hanggang 30. ANA ROSARIO HERNANDEZ
323217 371119This plot doesnt reveal itself; it has to be explained. 442802
178258 453994Its always great to learn ideas like you share for weblog posting. As I just started posting comments for weblog and facing dilemma of lots of rejections. I feel your suggestion would be beneficial for me. I will let you know if its work for me too. 225326
54581 587201Wow, superb weblog structure! How long have you been blogging for? you make blogging glance straightforward. The total look of your internet internet site is excellent, neatly as the content material! 553514
172636 390831i really like action movies and my idol is none other than Gerard Butler. this guy truly rocks 760818
944616 25125I discovered your weblog web website on google and check some of your early posts. Continue to maintain up the superb operate. I just further up your RSS feed to my MSN News Reader. Looking for forward to studying extra from you in a whilst! 498995