WALANG planong magsagawa ng lockdown sa kahit na anong lugar sa Maynila hanggang katapusan ng 2020.
Ito ang pagtiyak ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang live address makaraang pabulaanan ang mga naglalabasan sa social media.
“Wala pong plano ang pamahalaang-lungsod ng Maynila na mag-lockdown hangang matapos ang December 31, 2020. I hope maliwanag ito,” ani Moreno.
Subalit, idinagdag ng alkalde na handa silang magpatupad ng lockdown kung kinakailangan.
“Share this portion na walang planong mag-lockdown ang pamahalaang-lungsod except kung me mangyaring hindi maganda…unless magpabaya kayo, baka mapilitan tayo,” anang alkalde na nanawagan din sa ng mga taga-Maynila na laging sumubaybay sa kanyang official social media accounts at posts para magabayan at malaman kung ano ang tama at totoo.
Gayunpaman, inamin nito na hindi rin siya nakakatulog sa pag-iisip ng mga paraan kontra COVID-19 upang mapanatiling ligtas ang sang-Kamaynilaan.
Samantala, inulat ng alkalde na ang occupancy rate ng mga kama para sa COVID-19 cases ay 25 percent na lamang.
Simula pa noong Dec. 4, ang confirmed, active cases sa lungsod ay 398 (31 dito ay new cases). Mayroon ding naitalang 676 deaths at 22,378 re-coveries.
Sa kasalukuyan ay 52,821 na ang sumailalim sa swab test, habang 119,320 ang sumailalim sa free serology tests na inaalok sa drive-thru at walk-in centers at city’s mobile clinic. Lahat ng ito ay kaloob ng pamahalaang lokal ng libre kahit hindi taga-Maynila. VERLIN RUIZ
Comments are closed.