WALANG PRICE HIKE SA NOCHE BUENA PRODUCTS NA HINDI BRANDED – DTI 

DTI Secretary Ramon Lopez-4.jpg

TINIYAK ni Trade Secretary Ramon Lopez na mananatiling abot-kaya hanggang sa panahon ng Kapaskuhan ang presyo ng mga produktong karaniwang inihahain sa Noche Buena.

Ayon kay Lopez, ang Noche Buena products na nagtaas ng presyo at maaaring magmahal pa ay ang ‘high-end brands’ o may pangalan o kilala ang tatak.

Aniya, hindi nito maaapektuhan ang inflation rate dahil hindi naman sensitibo sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang mga mayayaman.

Sinabi pa ng DTI chief na ang mga low-end brand at ang mga karaniwang inihahain sa hapag-kainan sa pagsalubong sa araw ng Pasko ay hindi nila inaasahan na magtataas pa ng presyo.

Binanggit pa ng kalihim na may utos si Pangulong Rodrigo Duterte na pababain ang presyo ng mga bilihin na nakaaapekto sa inflation rate, lalo na ang bigas, gayundin ang asukal.

Comments are closed.